Thursday, May 30, 2024

Payapang Puso at Isipan

Last day of May!

    Honestly Nissy, I don't know where to begin. Siguro sisimulan ko ito by telling na hindi talaga ako masyadong vocal in terms of my personal problems. For the past 9 months, ever since nag-start yung college life ko, I've been having hard times when it comes to adjusting. Tapos ngayong last day na nga ng May, looking back to all that I've experienced, I'm glad I was able to overcome it all. Ang daming nangyari at nabago sa buhay ko, ang dami kong na-achieve at nasubukang gawin na hindi ko akalaing magagawa ko pala. Ngayong bakasyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi dumadaan na naman ako sa existential crisis ko. Bakit ganito? Kapag wala akong ginagawa, umaatake na naman yung pagiging negative ko sa buhay. Bakit ba kasi hindi ako optimistic na tao?

    It was exactly one year ago since I graduated Senior High School. Wala talaga akong plano sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ba ito yung course na pinili ko. Bakit ba ako ng IT? Ever since I was young, ang dream ko talaga ay maging isang dentista, but I was doubting myself too much kaya hindi ko tinuloy. Hindi ko gustong gawin yung isang bagay na hindi ako sigurado. Pero alam ko sa sarili ko na dentista yung gusto ko, hindi ko lang nagawang panindigan, kasi natakot ako. 

    Hindi ko alam kung paano ko ba iku-kuwento dito yung mga pagkakasunod-sunod na nangyari sa buhay ko after I graduated pero siguro ang i-include ko nalang dito ay yung mga taong naging dahilan kung bakit naging magaan yung 1st Year ko as a BSIT student. First and foremost are my girlies. At first, sobra pa akong nangangapa sa kanila, nasanay nalang ako na sila lagi yung kasabay ko sa araw-araw na pagpasok. Kung may male-late man na isa, damay-damay lahat, which is totally fine for me kasi medyo naging thrilling. Then there's also these two bois, especially this kuromi boy, who's always there to teach us whenever we can't understand something related to ComProg, sila yung naging dahilan kung bakit nakayanan ko yung mga paunang linggo ng ComProg because I don't basically know anything. Meron din akong mga naging ka-close na kaklase because naging groupmate ko sila, na I'm super grateful that I get to know their personalities. But out of all the classmates that I had, there's this one particular girl where I felt comfortable the most. I don't know why and how did that happen, pero click talaga. 


    Hmmm, in terms of pagkakaibigan, nasabi ko na naman sa last blog ko na dun ako pinaka-nahihirapan because how can we possibly know kung kaibigan mo na yung isang tao? Is it required ba to talk everyday? What if mawala yung bond if you stop talking to each other for a while? There's a lot of possibilities that it might happen. Knowing myself, I am not usually the type who initiates conversation unless there's a topic that I want to dicuss. Pero yung talking for the purpose of catching up or small talks, that's my weakness. Nararamdaman ko sa sarili ko na wala akong substance kausap, heto na naman tayo Nissy, masyado na naman nating binababa yung sarili natin.

    Sa buong college life ko, kung may nabuo man akong kaibigan, may naging hindi naman ako kasundo, na up until now I don't want to associate myself with them anymore. Hindi sa may galit ako or nagtatanim ng galit, hindi ko lang gugustuhing magkaroon ulit ng kahit anong connection with someone na least like ko. 

    Ngayon college ko rin napagtanto yung totoong ako. I feel like matagal ko na itong tinatago sa sarili ko, probably because I am afraid of the judgements of people around me. Siguro hindi pa ganon kalalim, hanggang attraction lang, pero may something eh, na hindi ko naman nararamdaman dati.

    Ang mga sinasabi kong ito ay out of context na, pero sa pagtatapos ng blog entry ko na ito, gusto ko lang sabihin na gusto ko na magkaroon ng payapang puso at isipan. Hindi ko na ikukulong yung sarili ko sa nakaraan. Hindi ako magtatanim ng kahit anong inis at galit sa kung sino man, hindi ko na gugustuhin pang magpaikot-ikot sa isang sikulo, ayaw ko na ng atras abante, gusto ko nang makawala sa sa sarili kong pagkakamali. My past decisions were always haunting me every night. Gabi-gabi kong sinisisi yung sarili ko dahil ang dami kong mga pagkakamaling ginawa dati na hindi ko na gustong maalala ngayon. Ang dami kong bagay na pinagsisisihan. 

    Please Nissy, please forgive yourself already, huwag mo nang masyado pang pahirapan yung sarili mo, kalimutan mo na lahat-lahat, it's all in the past now.

    Bumawi ka nalang.

:)

 

   





Friday, May 24, 2024

Vacation Mode!

Finally, after 9 months of being a 1st Year BS Information Technology Student, nakaraos na rin!

    Today is May 24, FRIDAY. It's been 20 days since I last updated on this blog. Ang nangyayari sa buhay ko so far ay... I've been trying a lot of things para bigyan ng reward yung sarili kong sobrang daming napagdaanan ngayong First Year ko. Nasabi ko naman na last blog yung mga nangyari sa buhay ko, ni hindi ko na nga alam kung anong mga puwedeng ilagay dito sa update ko. 

    Hmmm, ano pa ba?  Ngayong week na ito yung posting ng grades namin. So far, goods naman mga nakikita ko sa naging grades ko. Ang gusto ko lang gawin ngayong May ay manood ng k-drama. Kakatapos ko lang nung "Lovely Runner" tapos currently watching "Moving". Time check, 4:33 p.m., nakikinig ng Dear MOR entitled aso't pusa

    Ang random naman ng mga sinasabi ko, wala na kasi akong masyadong ma-kuwento. Walang masyadong nangyayari sa buhay ko. Alam mo ba Nissy, katulad nung in-overthink ko before 2nd Semester, na baka hindi ko kayanin yung pag-cocode, nangyayari na naman ngayong bakasyon. Ang dami ng major, hindi ko alam kung kakayanin ko. Pinagdududahan ko na naman yung sarili ko. Kaya ko ba ito? 

   Gusto kong mag-aral ngayong bakasyon, hindi ko alam kung sisipagin ako. Sana makapag-aral ako kasi kailangan na kailangan ko yun. Lalo na at Python at Java ang Programming Language ang susunod na kailangan aralin. 

    Nissy, kayang-kaya natin 'yan! Tiwala lang! I know madalas kang mapanghinaan ng loob, madalas mong pinagdududahan yung sarili mo, but always know na kung kaya ng iba, makakaya mo rin. Regular Cutie please! 

    Ano pa ba? Medyo naging kalmado na ako ngayong nasabi ko na lahat ng mga tumatakbo sa isipan ko. Oh! Bakasyon na rin pala yung mga kaibigan ko from other school, finally! Nairaos na namin ang First Year!

    Uy past Nissy, hindi ko alam, hindi ko na matandaan kung bakit mo sinimulan itong blog na ito pero masaya akong naisipan mong gumawa nito, parang may mababalikan ako na thoughts, ang saya balikan. 

Friday, May 3, 2024

A Little Life Update

One Month akong nawala! Ano na nga bang ganap sa buhay ko?


    Today is May 04, SATURDAY. I wasn't able to update nung nakaraang buwan, whuch was my birth month. Ano nga bang mga nangyari? Actually I don't remember that much, sorry nissy may-pagka goldfish memory kasi ako. Maraming mga pinagawa dahil Finals na. Nag-start na kami mag-research sa Filipino, which is about effects of using bilinggualism in teaching yung pinaka-topic namin. Tapos sa Reading in Philippine History, nagkaroon kami ng report, na naging isang pageant. "Mr Pogi 2024", tapos pinagawa din kami ng brochure. Sa Science, Technology, and Society, nag-report kami, tapos suprisingly, nung nasa unahan ako, hindi ako kinabahan. Which is a major groeth on my part kasi dati halos manlamig na ako sa sobrang kabado kapag nasa harap ng maraming tao. Sa Linear Algebra, nag-discuss lang about Matrices, tapos may Infomercial. Sa Coomputer Programming, na-discuss about functions, passes, recursion na kailangan ko talagang aralin kasi hindi ko pa masyadong maintindihan. Sa Data Structures and Algorithms, hindi na kami masyadong mine-meet ni Sir. Sa ROTC, lagi akong nag-panunumpa at panatang makabayan. Sa PE, omg, hindi ko na alam ginagawa ko doon, nilalaro ko lang yung mga pinapagawa ni Sir.

       Puro about Acads yung mga sinabi ko. Tungkol naman sa pakikipag-socialize ko sa ibang tao yung paragraph na ito. Hindi ko man na-kuwento dito pero nagkaayos na kami ni Aye! During mid-March ata yun. Which made me so genuinely happy. Tapos ayun nag-swimming kami nung girlies ko together with the 2 bois, Carl and Rhon, also with Clemente, Yesha, and Ayezza. Actually, I'm not the type of person who is fond of celebrating birthdays. Pero during that time, ang saya, na sila yung mga kasama ko.

    Iku-kuwento ko rin dito yung kung paano ako sinupresa ng wonders ko. I never felt so special, at sila yung nagparamdam sa'kin non. Tanging gusto ko lang non, mabuo ulit kami, magkabati ulit yung dalawa, and it really happened. Haaay, I missed them. I missed us.

    Tapos si Miles naman, pumunta dito sa bahay namin, kinuhanan ako ng dugo. Tapos pumunta kami sa InSans Cafe. Sobrang sarap ng Tonkatsu nila doon! HUHU tapos pumunta kaming SJE Church, and then WalterMart.

    AYUN LANG ANG GANAP SA BUHAY KO NISSY. Sa mga panahong binabasa mo itong little updates ni past Nissy, I just want you to know that you are loved by many people around you. Please don't ever forget that. At ang pagiging pressured at overthinker mo sa Academics ay sana, mabawasan. It's not healthy for your mental health. Please don't be too hard to yourself.


    A genuine letter for my past Nissy:                             

Halloe Nissy! Siguro on the other side of the multiverse, nararanasan mo pa rin yun lahat-lahat. I know things are too difficult for you during that moment, pero please sana isipin mo na it will eventually all be alright. Alam mo ba ngayon, sobrang thankful ako sa'yo, kasi naging strong ka during that time, ngayong mga panahong ito, kinakaya ko pa rin, para sa future successful Nissy. Medyo dramatic 'di ba? hahahahaha. Please, don't be too sad on what happened to you, mag-ma-makes sence din yan pagdating ng panahon. I'm so proud of you!!!


    A genuine letter for my future Nissy:

Hindi maiiwasan sa'kin na laging mag-overthink kung anong kahihinatnan mo sa buhay Nissy, but please know na I'm doing everything that I can para sa'yo. Please pray for me, sana kayanin ko itong mga nangyayari sa buhay ko ngayon.


2 WEEKS NALANG BAKASYON NA! FUTURE NISSY, YOU DESERVE A REST, BUT FOR NOW, I'LL DO ALL THE WORK. :)

    

I Loved You, It Ruined My Life

  Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most Today is July 1st, MONDAY. Before I start writing on this blog ent...