Thursday, May 30, 2024

Payapang Puso at Isipan

Last day of May!

    Honestly Nissy, I don't know where to begin. Siguro sisimulan ko ito by telling na hindi talaga ako masyadong vocal in terms of my personal problems. For the past 9 months, ever since nag-start yung college life ko, I've been having hard times when it comes to adjusting. Tapos ngayong last day na nga ng May, looking back to all that I've experienced, I'm glad I was able to overcome it all. Ang daming nangyari at nabago sa buhay ko, ang dami kong na-achieve at nasubukang gawin na hindi ko akalaing magagawa ko pala. Ngayong bakasyon, hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi dumadaan na naman ako sa existential crisis ko. Bakit ganito? Kapag wala akong ginagawa, umaatake na naman yung pagiging negative ko sa buhay. Bakit ba kasi hindi ako optimistic na tao?

    It was exactly one year ago since I graduated Senior High School. Wala talaga akong plano sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit ba ito yung course na pinili ko. Bakit ba ako ng IT? Ever since I was young, ang dream ko talaga ay maging isang dentista, but I was doubting myself too much kaya hindi ko tinuloy. Hindi ko gustong gawin yung isang bagay na hindi ako sigurado. Pero alam ko sa sarili ko na dentista yung gusto ko, hindi ko lang nagawang panindigan, kasi natakot ako. 

    Hindi ko alam kung paano ko ba iku-kuwento dito yung mga pagkakasunod-sunod na nangyari sa buhay ko after I graduated pero siguro ang i-include ko nalang dito ay yung mga taong naging dahilan kung bakit naging magaan yung 1st Year ko as a BSIT student. First and foremost are my girlies. At first, sobra pa akong nangangapa sa kanila, nasanay nalang ako na sila lagi yung kasabay ko sa araw-araw na pagpasok. Kung may male-late man na isa, damay-damay lahat, which is totally fine for me kasi medyo naging thrilling. Then there's also these two bois, especially this kuromi boy, who's always there to teach us whenever we can't understand something related to ComProg, sila yung naging dahilan kung bakit nakayanan ko yung mga paunang linggo ng ComProg because I don't basically know anything. Meron din akong mga naging ka-close na kaklase because naging groupmate ko sila, na I'm super grateful that I get to know their personalities. But out of all the classmates that I had, there's this one particular girl where I felt comfortable the most. I don't know why and how did that happen, pero click talaga. 

    Hmmm, in terms of pagkakaibigan, nasabi ko na naman sa last blog ko na dun ako pinaka-nahihirapan because how can we possibly know kung kaibigan mo na yung isang tao? Is it required ba to talk everyday? What if mawala yung bond if you stop talking to each other for a while? There's a lot of possibilities that it might happen. Knowing myself, I am not usually the type who initiates conversation unless there's a topic that I want to dicuss. Pero yung talking for the purpose of catching up or small talks, that's my weakness. Nararamdaman ko sa sarili ko na wala akong substance kausap, heto na naman tayo Nissy, masyado na naman nating binababa yung sarili natin.

    Sa buong college life ko, kung may nabuo man akong kaibigan, may naging hindi naman ako kasundo, na up until now I don't want to associate myself with them anymore. Hindi sa may galit ako or nagtatanim ng galit, hindi ko lang gugustuhing magkaroon ulit ng kahit anong connection with someone na least like ko. 

    Ngayon college ko rin napagtanto yung totoong ako. I feel like matagal ko na itong tinatago sa sarili ko, probably because I am afraid of the judgements of people around me. Siguro hindi pa ganon kalalim, hanggang attraction lang, pero may something eh, na hindi ko naman nararamdaman dati.

    Ang mga sinasabi kong ito ay out of context na, pero sa pagtatapos ng blog entry ko na ito, gusto ko lang sabihin na gusto ko na magkaroon ng payapang puso at isipan. Hindi ko na ikukulong yung sarili ko sa nakaraan. Hindi ako magtatanim ng kahit anong inis at galit sa kung sino man, hindi ko na gugustuhin pang magpaikot-ikot sa isang sikulo, ayaw ko na ng atras abante, gusto ko nang makawala sa sa sarili kong pagkakamali. My past decisions were always haunting me every night. Gabi-gabi kong sinisisi yung sarili ko dahil ang dami kong mga pagkakamaling ginawa dati na hindi ko na gustong maalala ngayon. Ang dami kong bagay na pinagsisisihan. 

    Please Nissy, please forgive yourself already, huwag mo nang masyado pang pahirapan yung sarili mo, kalimutan mo na lahat-lahat, it's all in the past now.

    Bumawi ka nalang.

:)

 

   





No comments:

SoloLearn Certificates