Friday, May 24, 2024

Vacation Mode!

Finally, after 9 months of being a 1st Year BS Information Technology Student, nakaraos na rin!

    Today is May 24, FRIDAY. It's been 20 days since I last updated on this blog. Ang nangyayari sa buhay ko so far ay... I've been trying a lot of things para bigyan ng reward yung sarili kong sobrang daming napagdaanan ngayong First Year ko. Nasabi ko naman na last blog yung mga nangyari sa buhay ko, ni hindi ko na nga alam kung anong mga puwedeng ilagay dito sa update ko. 

    Hmmm, ano pa ba?  Ngayong week na ito yung posting ng grades namin. So far, goods naman mga nakikita ko sa naging grades ko. Ang gusto ko lang gawin ngayong May ay manood ng k-drama. Kakatapos ko lang nung "Lovely Runner" tapos currently watching "Moving". Time check, 4:33 p.m., nakikinig ng Dear MOR entitled aso't pusa

    Ang random naman ng mga sinasabi ko, wala na kasi akong masyadong ma-kuwento. Walang masyadong nangyayari sa buhay ko. Alam mo ba Nissy, katulad nung in-overthink ko before 2nd Semester, na baka hindi ko kayanin yung pag-cocode, nangyayari na naman ngayong bakasyon. Ang dami ng major, hindi ko alam kung kakayanin ko. Pinagdududahan ko na naman yung sarili ko. Kaya ko ba ito? 

   Gusto kong mag-aral ngayong bakasyon, hindi ko alam kung sisipagin ako. Sana makapag-aral ako kasi kailangan na kailangan ko yun. Lalo na at Python at Java ang Programming Language ang susunod na kailangan aralin. 

    Nissy, kayang-kaya natin 'yan! Tiwala lang! I know madalas kang mapanghinaan ng loob, madalas mong pinagdududahan yung sarili mo, but always know na kung kaya ng iba, makakaya mo rin. Regular Cutie please! 

    Ano pa ba? Medyo naging kalmado na ako ngayong nasabi ko na lahat ng mga tumatakbo sa isipan ko. Oh! Bakasyon na rin pala yung mga kaibigan ko from other school, finally! Nairaos na namin ang First Year!

    Uy past Nissy, hindi ko alam, hindi ko na matandaan kung bakit mo sinimulan itong blog na ito pero masaya akong naisipan mong gumawa nito, parang may mababalikan ako na thoughts, ang saya balikan. 

No comments:

I Loved You, It Ruined My Life

  Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most Today is July 1st, MONDAY. Before I start writing on this blog ent...