Sunday, June 30, 2024

Last Day Of June 2024

 June 30, 2024

    This month for me is like a rollercoaster of emotions. Ang dami kong natutunan at napagtanto, and most of it is related sa love.

June 1, sabi ko dito sa blog ko, payapang puso at isipan. Wala nang atras-abante. Hindi ko gugugulin ang buong bakasyon ko kakaisip na I should have done better. Bale ang nasa isip ko lang talaga ay gusto ko nang makawala sa nakaraan. Until the conflict happened nga and that incident was the reason kung bakit bigla akong namulat sa realidad. 

Everything that happened to me for the past 10 months has eventually lead me to where I am right now. Ang dami kong nagawang katangahan, mga bagay na kung iisipin ko ngayon, sobra kong pinagsisisihan. But I promise to myself na kapag may dumating man ulit, hindi ko na hahayaan yung sarili ko na mawasak. Sa dami ko ba namang napagdaanan, syempre natuto na ako.

In terms of my advanced studying, nitong nakaraang linggo lang ako nagsimula. May kaunting knowledge na ako about the basics ng python and Java. Oh my, hindi ko alam paano ko aaralin yung java kasi ang dami kong nakikita na yung mga maaalam daw mag-java, kahit sila mismo nahihirapan mag-explain on how it actually works.

So nissy, July na bukas. Please make your vacation more productive. I know you want to chill and just relax, pero I hope you still try to study since ikaw din yung makakapag-benefit once you do that.

Ano pa bang pwede kong i-kuwento? Matagal-tagal na since kumausap ako ng tao, oh dear, hindi na ako masyadong maalam makipag-socialize. How can I possibly talk to other people sa pasukan? Same blockmates pa rin kaya? May madadagdag ba sa mga kaklase ko? Marami bang mababawas? Kaklase ko pa rin kaya siya? o nag-shift na siya sa crim? Ay hala ka nissy ha, loh nakamove on na ako, pero somehow nacucurious ako. Anyway wala na akong masabi. 

So ang goal ko sa July ay sana, more peace of mind at makapag-aral talaga ng oop. Oh dear, goodluck talaga sa 2nd year, balita ko parang mahirap talaga 1st sem ng 2nd year huhu I'm scared. I don't want to pressure myself but please nissy, I just want to tell you na no matter what happen, I'm so so proud of you for trying your best. Please huwag mo nang pagdudahan yung sarili mo. Huwag mong maliitin yung kakayahan mo. Kayang-kaya mo 'yan. Nakakaya ng ibang tao, masipag kang tao kaya alam kong magagawa mo rin yan! Please don't be discouraged or dissapointed when things don't go your way. Please always look at the positive side.

Hmmm, ano pa ba? Haaay, alam mo ba, ang bilis talaga ng panahon. Sa lahat ng mga buwan sa isang taon, July at August yung pinaka hindi ko gusto. Kasi parang bumabalik lahat ng ayaw ko nang balikan pa. Pero don't worry, hindi na ako magpapaapekto, matatag na itong heart ko! One reason din kung bakit hate ko ang july at august ay dahil it is a sign na malapit na talaga ang pasukan! Kahit anong boring ngayong bakasyon (omg isingit ko lang na shems ang nagpapasaya sakin ngayon bakasyon ay panonood ng running man ph) ayun nga, kahit ang boring boring, hindi ko gugustuhing ma-stress na naman at magpasukan. Pwede bang patigilin muna ang oras? 

Currently 1:12 pm, nakikinig ng August by Taylor Swift. Iniisip ko lang yung kantang yon eh, bigla ba namng tumugutog kahit na naka-shuffle.

Wala nang tumatakbo sa isip ko, at wala na rin akong maisip pa na gawin. So sign na talaga ito na mag-aaral ako ng oop ng Java sa netbeans. Iniisip ko palang, feeling ko hindi ko na maiintindihan. HUHU mas gusto ko nalang na magsulat dito sa blog ko kesa mag-aral.

Ngayong sinusulat ko na talaga lahat ng nasa isip ko at wala akong itnitirang kahit isang thoughts, parang na-blanko na ang aking utak. Siguro nakakatulong itong blog ko na ito para mabawasan ang aking overthinking moments kasi napipiga talaga mga thoughts ko sa utak eh.

Alam mo ba nissy, kapag kumakausap ako sa mga tao, naiilang ako tumingin sa kanilang eyes, tapos once na magka-eye contact, para akong mags-stutter tapos I don't know what will I say. Tapos in terms of talking to my parents, we never had a convo at all, which makes me feel bad as a daughter kasi, I can't;t easily communicate well. Hindi ko masabi yung thoughts ko kasi growing up, hindi ko sila masyadong nakakasama kasi lagi silang nasa work, though I understand it naman kung bakit sila nagtratrabaho-- to provide something for us. But I can't help to wonder, what if sa paglaki ko, na-witness nila yung kung ano nga ba talaga ako. They don't know my personality, and I don't know theirs. It feels like, we're strangers and nafefeel bad ako for feeling that way kasi I am their daughter to begin with.

Also, with my friends na hindi ko na naca-catch up. I don't know what's going on with their lives anymore. I'm struggling to keep up with my own life to the point na hindi ko na sila nakakamusta.

Haaay nissy, why is living life so difficult ngayong nag-gro-grow up na tayo?

No comments:

Holding On Will Just Make Me Suffer

  A girlie with attachment issues, that's exactly who I am...     But I don't want to hold on anymore. To my past mistakes, laging n...