Friday, July 5, 2024
Trust In His Perfect Timing
Reddit Is Full Of Problematic People
They can never make me hate you, skyfam ☁️
Thursday, July 4, 2024
Is Coding For Me?
The only limit is my imagination...
It's been almost 2 weeks since I started advanced studying for real. I admit, it's super challenging lalo na sa katulad kong napakaikli ng attention span. Naiintindihan ko naman yung topic, but hindi pa ako gaanong nakakapag-write ng code on my own.
Naalala ko nung mga paunang araw ng pag-aaral ko, yung laman lagi ng mga panaginip ko eh all about coding stuffs, but yung mga panaginip ko these days ay wala na akong natatandaan.
Honestly, sa pagtagal, parang nasasanay na ako na mag-aral tungkol sa mga stuffs na ganito. Totoo pala yun, pwede ko palang matutunan na mahalin yung course na pinili ko for practicality.
Dati, I thought coding is all about html, which is favorite topic ko dati nung grade 6 and 8 since lagi akong nag-e-excel don. But html is not a programming language pala. It's just for starters, I guess? Madaming types ng totoong programming language like Java, Python, SQL, C++ and many more.
Dati talaga masyado akong napanghihinaan ng loob kasi pinasok ko itong course na ito nang wala akong alam. Pero basta may sipag, lahat matututunan, lahat mapag-aaralan.
Tiwala lang, nissy! Rooting for you :)
Wednesday, July 3, 2024
Holding On Will Just Make Me Suffer
A girlie with attachment issues, that's exactly who I am...
But I don't want to hold on anymore. To my past mistakes, laging nagre-recall yung mga ginawa ko dati every time I'm about to sleep. Meron bang madi-discover in the future na parang pill pampalimot? Asan na ba yung mga nagwo-work sa brain ko. pwede bang i-suck nila sa vacuum yung mga memories na gusto ko nang makalimutan? May napanood ako somewhere, just focus on what is happening right now, because it will define your future. So I am focusing on what is currrently happening, at yun ay ang... nag-t-try akong mag aral ng java. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa knowledge ko about python maybe I'll try solving some problems related to that.
The Peace of Not Knowing
These past few days, I've been working on myself
As much as I can, I am trying to keep myself away from social media-- that place ruined my mental being so much. Gusto ko after ng bakasyon na ito, better version na ako. I want to grow and become a better person. Gusto kong mag-aral talaga para hindi gaanong mahirapan yung sarili ko. Hindi ko na hahayaan na masyadong magpalamon sa mga nakikita ko sa net, I don't want to be stressed on those unnecessary things anymore. I think more than 2 weeks ko na rin dine-deprive yung sarili ko from socmeds, but I can't help myself to become COMPLETELY away from it, Youtube ang laging pinupuntahan ko.
Kaya ko naman palang mawalan ng pake on things that is going on around me, especially on other people. Hindi na ako masyadong interesado sa ganap ng ibang tao, I'm prioritizing more myself these days. Wala naman akong mapapala sa iba, dapat sa sarili ko lang fino-focus yung attention ko.
July 3, WEDNESDAY. Three days since the month of July has started. Self-isolation has always been my coping mechanism, at wala sigurong nakakapansin na lumalayo ako, maybe that's for the best. Gusto ko rin naman na mamuhay ng payapa at lumayo muna sa mga tao. Maiintindihan naman nila, siguro?
Feeling ko talaga they won't notice it in the first place, and that's completely okay. Mas gusto ko na ganito nalang yung nangyayari sa buhay ko ngayon. Walang masisira yung mga tao sa'kin kung hindi na nila alam yung nangyayari sa buhay ko.
Hmmm, basta all I want right now ay mangyari yung mga goal ko ngayong bakasyon. To work on becoming a better version of myself.
Monday, July 1, 2024
I Loved You, It Ruined My Life
Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most
Sa lahat ng napagdaanan ko, kahit ano mang maling desisyon yung nagawa ko, hindi ko deserve na maramdaman lahat ng yun. Walang kahit sinong may deserve. After all that I've been through, masyado akong nag-beg, masyado kong binaba yung sarili ko, masyado ko siyang minahal to the point na ubos na ubos na ako. Hindi ko na talaga makilala yung sarili ko non, at hindi ko na gugustuhing maranasan yun ulit.
Haaay Lord, hindi ko pa talaga kaya yung mga ganitong love, kasi grabe pala talaga ako magmahal. Hindi si nissy yon, ibang persona ko yon.
Yung totoong nissy, dapat laging sarili yung pinipili. Hindi masamang maging selfish minsan miss nissy, you have to make your walls and your boundaries higher, you should not let other people take advantage of your kindness.
Yeah, I admit it hindi naman ako nagbabait-baitan dito, syempre may atraso din ako sa mga taong nanakit sa'kin, wala na akong magagawa pa, wala na naman sila sa buhay ko para isipin ko pa 'di ba?
Hindi ko na gugustuhin pang makita sila, lalo na si Nick. I guess the feeling is mutual, he don't want to associate with me anymore as far as I can remember. Maybe para na rin sa ikapapayapa ng lahat, mas mabuti pang isipin ko nalang na never ko siyang nakilala kasi masyado akong nawasak dahil sakanya.
-
Have the courage to let go of what is not right for you :) Hmm, tungkol saan naman kaya ang blog entry ko today? Actually kaya ako napa...
-
"I think love is when I put myself even when I'm tired, and I carry myself up the stairs even though my knees ache. I think lov...
-
A confession I had to make, Ever since I was grade 7, I felt like may something talaga na kakaiba sa'kin. Hindi ko lang masyadong pinans...
Trust In His Perfect Timing
I stumbled upon this Medium post . Ever since I was young, I am always fond of disney princesses, hoping that this young little girl nissy ...
![](https://i.ytimg.com/vi/X53vAQr49D0/hqdefault.jpg)