Friday, June 3, 2022

Wonder Pets

Have you ever had a friendship that you wish it could last forever?

I have these 3 wonderful people na kaibigan ko since grade 7. I never really expected na magtatagal kami ng ganito. We have different interests. Mahilig sa k-pop, mahilig magbasa ng au tapos yung dalawa, mahilig maglaro. Tapos ako, siguro mahilig ako manood ng movies, kasi dun lang ako nakakatakas sa realidad.

Sila yung tipo ng tao na kahit hindi kami mag-usap usap everyday, na kahit ghinoghost namin ang isa't-isa, hindi parin nawawala yung pagkakaibigan. Ngayong bakasyon na, hindi na active ang gc ng wonder pets. Siguro sa pasukan nalang ulit yun mag-iingay. Sa tiktok nalang kami naguusap-usap, pero nagdedeactivate na ng accounts yung isa which I totally understand. Kasi nagkaron din ako ng phase sa buhay ko na gusto ko na lumayo sa social media kasi nauubos yung oras ko. Soc-med detox kumbaga. I tried doing that, I deactivated my twitter, instagram and facebook. Messenger nalang yung natira pero dinelete ko sa phone yung app. Ginawa ko yun ng isang linggo, and nung bumalik ako, maraming chat sa akin si frenny. Medyo na-guilt ako that time, kasi wala akong pinansin na kahit sino sa loob ng isang linggo. Pero ngayon na siya naman ang gumagawa ng ganon, naiintindihan ko kung bakit niya yun ginagawa. 

Marami akong naging kaibigan. Pero wala sa kanilang nagtatagal dahil naglilipatan ng school. Pero alam ko na pangmatagal anyung pagkakaibigan na nabuo namin. I don't know kung anong mangyayari kapag naka-graduate na kami. May wonder pets pa kaya after that? 

I hope our friendship will last forever, my wonders.


Sincerely, nissy





No comments:

Holding On Will Just Make Me Suffer

  A girlie with attachment issues, that's exactly who I am...     But I don't want to hold on anymore. To my past mistakes, laging n...