Saturday, January 6, 2024

Kung Hindi Ikaw, Huwag Nalang

It will hurt now
In a month, it will still hurt
Maybe in years, too
But someday, you will suddenly realize
It's starting to hurt less
Maybe the hurt won't stop
But with time, you will learn to live with it

You will be okay

Memories are never truly forgotten, just stuffed somewhere in the scaffolding of your mind and ignored until triggered without warning.

As each day passes, sabi ko nga sa last blog ko, parang nagle-lessen na yung sakit. Dumadalang-dalang na yung gabing iniiyakan ko si Nik, but  that doesn't mean na okay na ako. Bigla nalang random, iiyakan ko siya, may isang random na bagay na magtrtrigger sakin na maalala yung pinagsamahan naming dalawa. How can I easily forget all of that? Loh eh kung tutuusin wala naman kami masyadong memories dalawa. But... why does it hurt so much? Why does it take too long for me na maging okay?

Bakit saming dalawa, ako yung mas nahulog, mas nagmamahal, at ngayon... mas nasasaktan?

Paano ba mag-heal? Eto yung 2nd heartbreak ko because of a guy. Yung una, kasi nag-cheat. Pero yung ngayon, yung kay Nik, ang hirap kasi natapos nang walang kung ano mang negative reason. No cheating at all. (So pinaparating mo ba nissy na mas madali kang makakamove-on kung nag-cheat siya) hindi yun, hindi sa ganon. 

Parang ang mali lang dito, mali na inumpisahan namin ito kahit na walang direction. Kahit na alam namin na for sure before college, matatapos din. Kahit na alam ko sa sarili ko na masasaktan ako, tinuloy ko parin.

Mali ako kasi nagpakatanga ako at mali siya kasi he made me confused, has a lot of mixed signals simula umpisa. Mali kami pareho.

(Isn't that enough reason para makamove-on? Yung isipin na red flag siya? Sa una lang magaling, sa una lang masaya?)

Hindi ko rin alam, maybe I'm too naive, my feelings for him was too strong, I wasn't able to control my emotions. Masyado akong naging tanga, kasi mahal ko.

There was a time na kinausap ko si Lord, Lord bakit ganito? Parang mali na ito eh. Mali na nasasaktan ako, naaapektuhan, hindi ko naman ito ginusto, pero yung papakawalan ko siya? Hindi ko rin kaya?

Bakit ganito kapag nagmamahal? Sobrang komplikado, ang hirap pala. Pero at the end of the day, ang pinakamahalaga naman dito, basta alam ko na hindi na ako magpapakatanga sa pag-ibig (oh dear, nagpakatanga ka talaga)

Siguro for just a span of time, hinayaan ako ni God na makilala siya, na malaman kung sino ba talaga siya, na mahulog at mahalin si Nik, para malaman ko kung ano ba talaga yung pakiramdam ng pagmamahal. Para kapag dumating na yung time na ready na ako, alam ko na yung gagawin ko.

Pero I know that deep inside my heart, si Nik pa rin. Tanga ka talaga Nissy. 

Ewan ko ba, mahal ko yung tao eh. Kung hindi siya, huwag nalang. Hindi na ako susugal pa.

Kakainin ko ba lahat ng mga sinabi ko ngayon? 


No comments:

Holding On Will Just Make Me Suffer

  A girlie with attachment issues, that's exactly who I am...     But I don't want to hold on anymore. To my past mistakes, laging n...