Friday, June 28, 2024

I Did It Once, I Can Do It Again

Sa paglaon ng panahon, muling makakabangon at makakaahon


You can never hate me more than I hate myself for the things I’ve done, and that’s a burden I carry every day.


I know I've done a lot of wrong decisions and choices in life these past months. Maraming taong naapektuhan, pero hindi ko rin maitatanggi na halos hindi ko na talaga makilala yung sarili ko, kasi I was different, I am losing myself, and I don't know what I'm doing. Hindi ko ma-control yung actions ko, lalo yung feelings ko kaya naapektuhan yung mga tao sa paligid ko and I regret it all. Lahat ng pagkakamali ko, hindi ako proud sa mga mali na nagawa ko. 

I don't honestly know kung paano ako makakabawi, but the only sure things that I know is that, hindi na maibabalik yung dati. May mga taong dapat ko nang kalimutan, and that's completely okay. That's part of growing up.

After self-isolation for more than 1 week, I realized that healing comes within. Hindi ko dapat hinahanap sa ibang tao yung heal na gusto kong makamit sa sarili ko. Kasi ako lang naman yung makakatulong sa sarili ko, kasi ako na ito oh. Sa lahat ng tao, si nissy ang pinakanakakakilala kay nissy. 

Maybe when the right time comes, makakaahon na talaga ako, magiging buo na ulit ako. Pero ngayong mga panahong ito, sinusubukan kong patawarin yung sarili ko, because I know in myself na kaya ko ito nararanasan, consequence ito sa lahat ng mga bagay na nagawa ko in the past.

One person told me that, let them handle their own thing. Tapos yung sarili kong struggle, ako na yung bahala dito, kayang-kaya ko naman ito lagpasan, sus, ako pa ba? Eh ako na ito oh! 

Kaya nissy, you just have to let things go, hayaan mo na yung past, focus on what you can do right now, at yun ay ang... You have to learn to forgive yourself. 

Nagawa mo na ito dati, makakaahon ka ulit ngayon! : )

No comments:

Holding On Will Just Make Me Suffer

  A girlie with attachment issues, that's exactly who I am...     But I don't want to hold on anymore. To my past mistakes, laging n...