Sunday, June 30, 2024

I Loved You, It Ruined My Life

 Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most


Today is July 1st, MONDAY. Before I start writing on this blog entry of mine, I promise to myself na this will be the last time I will be writing to this blog na tungkol kay nwvm. Kaya ko naisip na magsulat ngayon, kaninang madaling araw I can't fall asleep, so I decided to read everything dito sa blog ko and most of it was about him. Nabasa ko yung mga past thoughts ko dati about sakanya and after that, oh fudge naaawa ako sa sarili ko. 

Sa lahat ng napagdaanan ko, kahit ano mang maling desisyon yung nagawa ko, hindi ko deserve na maramdaman lahat ng yun. Walang kahit sinong may deserve. After all that I've been through, masyado akong nag-beg, masyado kong binaba yung sarili ko, masyado ko siyang minahal to the point na ubos na ubos na ako. Hindi ko na talaga makilala yung sarili ko non, at hindi ko na gugustuhing maranasan yun ulit. 

Haaay Lord, hindi ko pa talaga kaya yung mga ganitong love, kasi grabe pala talaga ako magmahal. Hindi si nissy yon, ibang persona ko yon.

Yung totoong nissy, dapat laging sarili yung pinipili. Hindi masamang maging selfish minsan miss nissy, you have to make your walls and your boundaries higher, you should not let other people take advantage of your kindness.

Yeah, I admit it hindi naman ako nagbabait-baitan dito, syempre may atraso din ako sa mga taong nanakit sa'kin, wala na akong magagawa pa, wala na naman sila sa buhay ko para isipin ko pa 'di ba?

Hindi ko na gugustuhin pang makita sila, lalo na si Nick. I guess the feeling is mutual, he don't want to associate with me anymore as far as I can remember. Maybe para na rin sa ikapapayapa ng lahat, mas mabuti pang isipin ko nalang na never ko siyang nakilala kasi masyado akong nawasak dahil sakanya.


My Girlies

I don't talk much about them here on my blog, sooo this blog is specially made for my girlies :)

April 12, 2024

Sa kanilang apat, si Yuan talaga yung una kong nakilala kasi kaklase niya si Ann (my friend from wonders) nung shs kami. Tapos si Jayn, same school lang din nung shs na kaklase ni miel (my friend from wonders) but never ko nakita si jayn sa LaCo during my shs days so I don't know her. Si Shia lang yung ibang school. Yung pagiging friends namin, nag-start lang sa simpleng sabay-sabay araw-araw sa pagpasok since day 1 hanggang sa nasanay na kami sa isa't isa.
Alam mo ba nissy, nung umpisa, natatakot talaga ako na lumipat sa new school kasi new environment tapos I met these girlies, and they made my 1st year of college life so bearable.
Sa kanilang apat, hindi ko maitatanggi na makita yung sarili ko sa isa sa kanila, at yun ay kay yuan. It's like same personality talaga kami in a way na hindi ko ma-explain, nafe-feel ko lang talaga.
Tapos si Jayn and Shia yung nagpapasaya kasi sila yung mga energetic lagi tapos parang mga aso't pusa na minsan hindi nagkakasundo.
Syempre hindi rin naman maiiwasan na magkatampuhan minsan, oh damn naalala ko dati gusto ko na matapos school year kasi nagkatampuhan kami dati HAHAHAHAH.
Looking back sa lahat ng mga na-experience ko kasama sila, it's nice na I found my peace within them.

Saturday, June 29, 2024

Last Day Of June 2024

 June 30, 2024

    This month for me is like a rollercoaster of emotions. Ang dami kong natutunan at napagtanto, and most of it is related sa love.

June 1, sabi ko dito sa blog ko, payapang puso at isipan. Wala nang atras-abante. Hindi ko gugugulin ang buong bakasyon ko kakaisip na I should have done better. Bale ang nasa isip ko lang talaga ay gusto ko nang makawala sa nakaraan. Until the conflict happened nga and that incident was the reason kung bakit bigla akong namulat sa realidad. 

Everything that happened to me for the past 10 months has eventually lead me to where I am right now. Ang dami kong nagawang katangahan, mga bagay na kung iisipin ko ngayon, sobra kong pinagsisisihan. But I promise to myself na kapag may dumating man ulit, hindi ko na hahayaan yung sarili ko na mawasak. Sa dami ko ba namang napagdaanan, syempre natuto na ako.

In terms of my advanced studying, nitong nakaraang linggo lang ako nagsimula. May kaunting knowledge na ako about the basics ng python and Java. Oh my, hindi ko alam paano ko aaralin yung java kasi ang dami kong nakikita na yung mga maaalam daw mag-java, kahit sila mismo nahihirapan mag-explain on how it actually works.

So nissy, July na bukas. Please make your vacation more productive. I know you want to chill and just relax, pero I hope you still try to study since ikaw din yung makakapag-benefit once you do that.

Ano pa bang pwede kong i-kuwento? Matagal-tagal na since kumausap ako ng tao, oh dear, hindi na ako masyadong maalam makipag-socialize. How can I possibly talk to other people sa pasukan? Same blockmates pa rin kaya? May madadagdag ba sa mga kaklase ko? Marami bang mababawas? Kaklase ko pa rin kaya siya? o nag-shift na siya sa crim? Ay hala ka nissy ha, loh nakamove on na ako, pero somehow nacucurious ako. Anyway wala na akong masabi. 

So ang goal ko sa July ay sana, more peace of mind at makapag-aral talaga ng oop. Oh dear, goodluck talaga sa 2nd year, balita ko parang mahirap talaga 1st sem ng 2nd year huhu I'm scared. I don't want to pressure myself but please nissy, I just want to tell you na no matter what happen, I'm so so proud of you for trying your best. Please huwag mo nang pagdudahan yung sarili mo. Huwag mong maliitin yung kakayahan mo. Kayang-kaya mo 'yan. Nakakaya ng ibang tao, masipag kang tao kaya alam kong magagawa mo rin yan! Please don't be discouraged or dissapointed when things don't go your way. Please always look at the positive side.

Hmmm, ano pa ba? Haaay, alam mo ba, ang bilis talaga ng panahon. Sa lahat ng mga buwan sa isang taon, July at August yung pinaka hindi ko gusto. Kasi parang bumabalik lahat ng ayaw ko nang balikan pa. Pero don't worry, hindi na ako magpapaapekto, matatag na itong heart ko! One reason din kung bakit hate ko ang july at august ay dahil it is a sign na malapit na talaga ang pasukan! Kahit anong boring ngayong bakasyon (omg isingit ko lang na shems ang nagpapasaya sakin ngayon bakasyon ay panonood ng running man ph) ayun nga, kahit ang boring boring, hindi ko gugustuhing ma-stress na naman at magpasukan. Pwede bang patigilin muna ang oras? 

Currently 1:12 pm, nakikinig ng August by Taylor Swift. Iniisip ko lang yung kantang yon eh, bigla ba namng tumugutog kahit na naka-shuffle.

Wala nang tumatakbo sa isip ko, at wala na rin akong maisip pa na gawin. So sign na talaga ito na mag-aaral ako ng oop ng Java sa netbeans. Iniisip ko palang, feeling ko hindi ko na maiintindihan. HUHU mas gusto ko nalang na magsulat dito sa blog ko kesa mag-aral.

Ngayong sinusulat ko na talaga lahat ng nasa isip ko at wala akong itnitirang kahit isang thoughts, parang na-blanko na ang aking utak. Siguro nakakatulong itong blog ko na ito para mabawasan ang aking overthinking moments kasi napipiga talaga mga thoughts ko sa utak eh.

Alam mo ba nissy, kapag kumakausap ako sa mga tao, naiilang ako tumingin sa kanilang eyes, tapos once na magka-eye contact, para akong mags-stutter tapos I don't know what will I say. Tapos in terms of talking to my parents, we never had a convo at all, which makes me feel bad as a daughter kasi, I can't;t easily communicate well. Hindi ko masabi yung thoughts ko kasi growing up, hindi ko sila masyadong nakakasama kasi lagi silang nasa work, though I understand it naman kung bakit sila nagtratrabaho-- to provide something for us. But I can't help to wonder, what if sa paglaki ko, na-witness nila yung kung ano nga ba talaga ako. They don't know my personality, and I don't know theirs. It feels like, we're strangers and nafefeel bad ako for feeling that way kasi I am their daughter to begin with.

Also, with my friends na hindi ko na naca-catch up. I don't know what's going on with their lives anymore. I'm struggling to keep up with my own life to the point na hindi ko na sila nakakamusta.

Haaay nissy, why is living life so difficult ngayong nag-gro-grow up na tayo?

Friday, June 28, 2024

My OT6 Forever

Nagkaroon ako ng blog about my beloved cup of joe, but few days ago, nabalitaan ko na mababawasan sila ng isa

It feels like a deja vu, kasi naging fan din ako dati ng band din. Diba I also told dito sa blog ko na ito na my music taste is moslty band songs. Dati, nagkaroon ako ng phase na kung saan I always listen to day6 songs. It was during February 2021. However, nag-enlist yung mga members kaya parang naging inactive ako. Hanggang sa may nangyaring issue dun sa isang member, tapos nung time na yon nasa military pa yung isa ding member, so domino effect na bakit yung k-band na ini-stan ko, nabawasan ng isang member? 

And few days ago, nangyari din sa Cup Of Joe, Raph Severino left Cup Of Joe, although I don't exactly know the exact reason, pero yung pag-alis niya, talagang ikinalungkot ko.

Honestly, since si Gian and Rapha yung vocalist ng Cup of Joe, sakanila mostly yung focus ng mga tao. I admit, kahit ako. But I love them  as a group. Sa lahat ng opm artists, sila yung pinaka sinusuportahan ko, and knowing na nabawasan nga, nakakalungkot na hindi ko sila nakita in person nang kumpleto. 

In the future kaya, fan pa rin ba nila ako? Makikita ko kaya sila? Makikinig ko kaya ng live yung mga kanta nila? I don't know the exact reason why I love them and their songs, maybe because yung mga kanta nila is masyadong lively, and the fact na banda nga sila, malakas talaga ang impact sakin. I don't know why I'm fond of band songs, pero hindi naman kailangan ng dahilan para magustuhan yung isang bagay diba? Haaay Cup Of Joe, i love them with all my life! 

I Did It Once, I Can Do It Again

Sa paglaon ng panahon, muling makakabangon at makakaahon


You can never hate me more than I hate myself for the things I’ve done, and that’s a burden I carry every day.


I know I've done a lot of wrong decisions and choices in life these past months. Maraming taong naapektuhan, pero hindi ko rin maitatanggi na halos hindi ko na talaga makilala yung sarili ko, kasi I was different, I am losing myself, and I don't know what I'm doing. Hindi ko ma-control yung actions ko, lalo yung feelings ko kaya naapektuhan yung mga tao sa paligid ko and I regret it all. Lahat ng pagkakamali ko, hindi ako proud sa mga mali na nagawa ko. 

I don't honestly know kung paano ako makakabawi, but the only sure things that I know is that, hindi na maibabalik yung dati. May mga taong dapat ko nang kalimutan, and that's completely okay. That's part of growing up.

After self-isolation for more than 1 week, I realized that healing comes within. Hindi ko dapat hinahanap sa ibang tao yung heal na gusto kong makamit sa sarili ko. Kasi ako lang naman yung makakatulong sa sarili ko, kasi ako na ito oh. Sa lahat ng tao, si nissy ang pinakanakakakilala kay nissy. 

Maybe when the right time comes, makakaahon na talaga ako, magiging buo na ulit ako. Pero ngayong mga panahong ito, sinusubukan kong patawarin yung sarili ko, because I know in myself na kaya ko ito nararanasan, consequence ito sa lahat ng mga bagay na nagawa ko in the past.

One person told me that, let them handle their own thing. Tapos yung sarili kong struggle, ako na yung bahala dito, kayang-kaya ko naman ito lagpasan, sus, ako pa ba? Eh ako na ito oh! 

Kaya nissy, you just have to let things go, hayaan mo na yung past, focus on what you can do right now, at yun ay ang... You have to learn to forgive yourself. 

Nagawa mo na ito dati, makakaahon ka ulit ngayon! : )

A Lot Of Things Could Possibly Be Changed Within A Year

This was me exactly a year ago, nissy 2023
nissy 2024
Nung mga panahong 'yan, birthday nung cousin ko. Every year, may photobooth kaya may copy ako nung photo ko last year. Last June 2023, bakasyon ko. A girlie na walang kamalay-malay kung ano bang aabutin niya sa collge life niya. Past Nissy, if only I could talk to you right now directly, I wish I can tell you na sana stay happy. Huwag mong masyadong seryosohin ang life. This present nissy right now is currently struggling on everything that is going on with my life. Just like you, wala akong kamalay-malay sa magiging takbo ng 2nd year ko as BSIT College Student. Sabi nila, stressful daw ang 1st Sem ng 2nd year, balitaan kita in the future. I hope you're proud of what I am becoming. I am trying to grow and be better everyday. 

1st year nissy ay nangangapa talaga nung una. I always remember how much I struggle and overthink about my outputs regarding programming. Iniiyakan ko pa dati yung flowchart at looping na kung tutuusin, ang basic lang pala ngayon. I hope yung mga iiyakan kong subjects sa 2nd year, as time goes by, masanay at maunawaan ko rin. Alam mo ba, ang ginagawa ko these past few days, nag-aaral ng python and slight java, and na-realize ko na halos same-same fundamentals lang naman, may similarity ng konti sa structure, but all in all, may nakikita akong common denominator.

Monday, June 24, 2024

How To Cope?

If I could only tell my friends what I feel right now, will they be able to understand me

Hmmm, pare-parehas kaming may pinagdadaanan in life, how can I tell them na I am currently losing myself? I feel like ang sama-sama kong tao sa nangyayari ngayon sa buhay ko, is it too exaggerated? I don't know my mind is too chaotic. 

Nagmahal lang naman ako, pero mali yung paraan ko ng pagmamahal. Because it ruined me, it ruined us. 

If only I could predict na ganito pala yung mangyayari, hindi na sana ako nagkaroon ng attraction sakanya during shs days which lead me to where I am right now. Now I am regretting that I fell in love with him. Everything was a mess. I am currently a mess.

I thought once I get over from him, tapos na. Nakalaya na ako sa mga pagkakamaling desisyon na nagawa ko sa buhay. But mali ako ng akala, minumulto ako ng nakaraan, may mga bagay ako na nagawa na hindi ko na kaya pang balikan. 

And the worst thing that is happening to me right now is that, hindi ko magawang maipaglaban yung sarili ko, kasi alam ko rin naman sa sarili kong ako yung mali dito. 

Pero nasasaktan din naman ako, paano ba kapag ganito? 

Move forward and never look back.

I Loved You, It Ruined My Life

  Out of all Taylor Swift's songs, I relate to the Fortnight the most Today is July 1st, MONDAY. Before I start writing on this blog ent...